BRIGADA ESKWELA 2012
ni Josephine M. Anno
Muling inilunsad ang Brigada Eskwela noong Mayo 21-25 bilang paghahanda sa pagbubukas ng Mababang Paaralan ng Bical para sa taunang pampaaralan 2012-2013.
Nakilahok sa programa ang mga opisyal ng barangay, mga magulang, guro, sa pangunguana ng punong-guro na si Gng. Emelita D. Ballesteros, mga mag-aaral at ang mga miyembro ng DSWS-4P’s sa paglilinis ng at paghahanda ng mga silid-aralan at kapaligiran ng paaralan.
Nagsagawa rin ng ilang mga rehabilitasyon tulad ng pagkukumpuni ng stage at ang pagpapalit ng alulod ng opisina at ilan pang mga silid.
Samantala, pinangunahan naman ni G. Rod Herbert C. Castillo, guro ng ika-apat na baitang, ang pagsasa-ayos ng mga tubo ng tubig upang masiguro ang pagkakaroon ng maayos na suplay ng tubig sa paaralan at gayundin...<basahin ang kabuuan>

Mga Pader sa BES, nagbagong bihis
ni Jeanelle P. Gomez
Buwan ng Nutrisyon, ipinagdiwang
ni Katrina Grace G. Galam ”Pagkain ng Gulay, Ugaliin, Araw-araw Itong Ihain!”, ang tema ng nakaraang Buwan ng Nutrisyon na ipinagdiwang noong ika-27 ng Hulyo 2012.
Sinimulan ang programa ng isang parada na nilahukan ng lahat ng mag-aaral sa bawat baitang, dala ang mga basket ng masusustansiyang prutas, gulay at iba pang pagkain bilang pagpapakita sa kahalagahan ng wastong nutrisyon na siya ring ginugunita sa pagdiriwang... <basahin ang kabuuan> |
Delos Santos, pambato sa CLRAA
ni Patrick R. de Guzman Kampeon sa dalawang laro ng throw event si Ana delos Santos na mula sa ika-anim na baitang sa natapos na Division Meet noong ika-15 at ika-16 ng Disyembre ng taong ito.
Hindi binigo ni Delos Santos ang zone 4 matapos niyang makuha ang kampeonato sa Discuss throw at Shot put kung saan nakatunggali niya ang mga manlalaro ng zone I, II, III at V upang siya ang maging kinatawan ng dibisyon sa nalalapit na CLRAA na gaganapin sa Tarlac mula... <basahin ang kabuuan> |
Iba't ibang Mukha ng Guro
ni Jane Meryll C. Regidor Bilang pagkilala sa kabayanihan ng mga guro sa pagdiriwang ng World’s Teachers’ Day nais kong handugan ng pasasalamat ang aking mga guro sa pamamagitan ng mensahe na maglalarawan sa kanila.
Sa dami na ng aking naging guro ay natuklasan ko na lahat sila ay may iba’t ibang mukha – iba’t ibang paraan ng pagtuturo, pagpaparamdam ng... <basahin ang kabuuan> |
Ang Midya sa Makabagong Pagtuturo
Buhat sa Tagapayo: Bb. Joanna Marie R. Dator Ang mga mag-aaral sa panahon noon at ngayon ay may malaking pagkakaiba. Bunga ito ng mga iba’t ibang paraan o stratehiya na ginagamit ng mga guro sa pagtuturo sa silid-aralan. Sa makabagong panahon sa ngayon, marapat lamang na ang mga guro ay makibagay at makisabay sa mabilis at modernong mga paraan ng pagtuturo.
Sa pamamagitan ng modernong pagtuturo, napapalawak ang mga konsepto sapagkat mas nakikita ng mga mag-aaral ang nais ipahiwatig ng tiyak na paksa. Ito na rin ay sa tulong ng iba’t ibang midya na maaaring gamitin kung saan maaring iparanas sa mga mag-aaral ang mga bagay, pangyayari o iba pang kaalaman na hindi pa nila nararanasan o nakikita ng aktwal. Sa panahon ngayon, nagkalat ang iba’t ibang makabagong teknolohiya sa ating mundong patuloy na umuunlad. Isang malaking bahagi ang teknolohiya... <basahin ang kabuuan> |