BRIGADA ESKWELA 2012
ni Josephine M. Anno
Muling inilunsad ang Brigada Eskwela noong Mayo 21-25 bilang paghahanda sa pagbubukas ng Mababang Paaralan ng Bical para sa taunang pampaaralan 2012-2013.
Nakilahok sa programa ang mga opisyal ng barangay, mga magulang, guro, sa pangunguana ng punong-guro na si Gng. Emelita D. Ballesteros, mga mag-aaral at ang mga miyembro ng DSWS-4P’s sa paglilinis ng at paghahanda ng mga silid-aralan at kapaligiran ng paaralan.
Nagsagawa rin ng ilang mga rehabilitasyon tulad ng pagkukumpuni ng stage at ang pagpapalit ng alulod ng opisina at ilan pang mga silid.
Samantala, pinangunahan naman ni G. Rod Herbert C. Castillo, guro ng ika-apat na baitang, ang pagsasa-ayos ng mga tubo ng tubig upang masiguro ang pagkakaroon ng maayos na suplay ng tubig sa paaralan at gayundin ang pagkukumpuni sa mga upuan na kakailanganin para sa nalalapit na pasukan.
Dumating rin sa unang araw ng Brigada Eskwela si G. Bernardo A. Gargabite, EPS-I ng English, upang tunghayan ang paglulunsad ng programa.

Mga pader sa BES,
nagbagong bihis ni Jeanelle P. Gomez Nagbagong bihis ang mga pader ng BES matapos magkaroon ng mural na makikita pagbungad pa lamang sa paaralan. Agad na mapapansin ang mga makukulay na mural na lalo pang pinatingkad ng mga luntiang gulay at iba pang pananim sa paligid nito na nagsisilbing na ring hardin para sa iba’t-ibang asignatura na English, Science, Math, Filipino, Makabayan at EPP.
Naisakatuparan ang pagpapagawa ng naturang proyekto gamit ang pondong nakalap sa nakaraang ng patimpalak ng Mr. and Ms. A-I child sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon noong Hulyo 27 na nilahukan ang magkakapares na mag-aaral sa bawat baitang. |
Ang pagsasagawa rin ng naturang mural ay bahagi ng pagsasaayos ng paligid ng paaralan para sa nakaraang “Gulayan sa Paaralan”. paaralan.
|
Bagong proyekto sa BES
ni Patrick R. de Guzman Naisakatuparan ang pagpapatayo ng isang kubo sa BES bilang proyekto mula sa nalikom na pondo sa patimpalak ng Mr. at Ms. A-1 Child noong nakaraang selebrasyon ng buwan ng Nutrisyon.
Sinimulan ang paggawa nito noong ika-sampu ng Agosto at natapos makalipas ang ilang linggo sa kabila ng pagkaantala ng konstruksyon dulot ng masamang panahon. “Ginawa ang kubo upang maging pahingahan at kainan ng mga estudyante at gayundin ng mga guro. Ang pondo o badyet ng nasabing proyekto ay umabot sa anim na libong piso. Apat na tao ang inupahan upang gumawa nito na pawang mga mga magulang at miyembro din ng ating komunidad.” wika ni Gng. Ballesteros. “Mabilis lamang nilang natapos ang kubo, makaraan lamang ang dalawang linggo maganda na ang kinalabasan. Natapos ang kubo noong ika-25 ng Agosto” dagdag pa niya. Matapos ang konstruksiyon ng kubo, agad itong napapinturahan sa tulong na rin ng donasyon na pintura ng mga opisyal ng barangay sa pangunguna ni Kapitan Felomino de Guzman. Tulad ng inaasahan, kung dati ay sa gym ng paaralan nagpapalipas ng tanghali ang mga mag-aaral nagkaroon na ng hindi lamang lugar na kainan kundi bilang pahingahan na rin dahil sa bagong tayong kubo. |
Paggunita sa kahalagahan
ng Wika sa Bansa ni Micah Nadine S. Cahuyong Ipinagdiwang sa paaralan ng BES ang Linggo ng Wika noong ika-27 ng Agosto na may temang “Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Pilipino”. Ang pagdiriwang na ito ay patuloy na isinasagawa ng mga paaralan sa buong bansa upang maipakita ang paggunita sa kahalagahan ng pagkakaroon ng isang wika ng isang bansa na daan para sa mabuting pagkakaunawaan ng bawat isa.
Ang naturang palatuntunan na idinaos sa paaralan ay pinangunahan ng koordinator ng Filipino na si Gng. Rhoda Bautista, guro mula sa ikatlong baitang, kung saan binigyang paliwanag niya ang mga detalye kung paano nagkaroon isang batayang wika na nagsisilbing tulay sa pagkakaunawaan ng lahing Pilipino. Iba’t-ibang presentasyon at bilang naman na ginanap sa bawat klase ang ipinamalas ng bawat baitang katulad ng pag-awit, tula at katutubong sayaw upang maipakita ang pagiging makabayan ng mga mag-aaral. Bago pa man sumapit ang araw ng programa ay nagkakaroon din ng ilang gawain ang bawat baitang bilang bahagi ng pagdiriwang katulad na lamang ng paglikha ng mga watawat, paglalarawan sa mga natatanging bayani, pagguhit ng larawan pagsulat ng tula, tugma at sanaysay ukol sa kahalagahan ng wika. |