Delos Santos, Pamabato sa CLRAA
ni Patrick R. de Guzman
Kampeon sa dalawang laro ng throw event si Ana delos Santos na mula sa ika-anim na baitang sa natapos na Division Meet noong ika-15 at ika-16 ng Disyembre ng taong ito.
Hindi binigo ni Delos Santos ang zone 4 matapos niyang makuha ang kampeonato sa Discuss throw at Shot put kung saan nakatunggali niya ang mga manlalaro ng zone I, II, III at V upang siya ang maging kinatawan ng dibisyon sa nalalapit na CLRAA na gaganapin sa Tarlac mula sa ika-17 ng Marso ng susunod na taon.
“Hindi ko po inasahan na makakalusot po ako at magiging kampeon sa dalawang event. Excited na po ako na maglaro sa CLRAA at ibibigay ko po ang aking best para manalo po at magbigay ng karangalan sa ating paaralan at dibisyon" ang tinuran ni delos Santos.
Umaasa ang mga guro at mga kamag-aral ng huli na pagbubutihin niya sa CLRAA upang maiuwi ang tropeyo bilang nag-iisang kinatawan ng paaralan sa kumpetisyon sa taong ito.

Anno, ikalawang Puwesto sa Badminton
ni John Rex L. Tominez
Bigo mang naiuwi ni Josephine M. Anno ang tropeyo para sa unang puwesto ng badminton girls bilang kinatawan ng Zone IV, nakuha naman niya ang medalya para sa ikalawang puwesto.
Sa nakaraang Division meet na ginanap noong Disyembre 16 at 17, nakalaban niya ang ilan sa mga magagaling na manlalaro ng iba pang zone ngunit mapalad siyang umabot sa kampeonato kung saan niya nakuha ang ikalawang medalya matapos mabigo sa manlalaro ng zone I.
“Masaya na rin po ako kahit na pangalawang puwesto lamang po ako kasi talagang magagaling po ang mga nakalaban ko nung araw na iyo. Okay lang po sa akin may iba pa naman pong pagkakataon at iba pa pong field para mag-excel po ako”, ang positibong sinagot ni Anno matapos ang panayam sa kaniya.
“Proud pa rin ako kay Josephine, magaling talaga siya hindi lang siguro kami pinalad sa araw na iyon”, ang tinuran naman ni Gng. Riza B. Lapuz, ang coach ng huli.

BES, ikalawang puwesto sa
Over-all ng Zone IV
ni Kriznalyn B. Lapuz
Pumangalawa sa over-all ng Zone IV ang BES sa ginanap na Zonal Meet sa Muñoz Central School noong ika-siyam ng Nobyembre sa taong ito
Nakamit ito ng paaralan matapos magkampeon sa ilang laro tulad ng badminton girls at gayundin sa pagkakamit ng maraming puwesto sa athletic events. Ang Singles A Badminton girls ng BES ang kakatawan sa Zone IV sa nalalapit na Division meet at siyam pang manlalaro para naman sa athletics.
Nakuha ni Bb. Editha F. Vergara ang pagiging winning coach sa athletic girls dahil sa karamihan sa mag manlalaro ng Zone IV ay nagmula sa BES.
“Pag-iibayuhin pa naming ang aming pag-eensayo ng sa gayon ay makapg-uwi tayo ng maraming medalya sa division meet, at sana ay makaabot ang mga manlalaro natin hanggang sa CLRAA”, ang sinambit ni Vergara matapos ang parangal.
“Mabuti na lamang at mayroon tayong mga sapat na gamit para sa pag-eensayo sa iba’t ibang laro”, dagdag pa niya.
Samantala, ang Munoz Central School naman ang pinarangalan bilang kampeon ng Zone IV sa nakaraang palaro.