Ang Lata
ni: Sebastian Simone N. Flores
Krak! Krak…
Ang tunog ng malaking lata na natapakan ko habang palutang-lutang sa mababaw na baha paglabas ko sa aming bahay. Sayang, kalawangin at yupi na, kaya wala ng kuwenta. Kung hindi lamang sana hinayaang mababad sa baha ay maari ko pang dalhin sa aming eskwelahan at taniman ng mga halaman.
Lalo pa akong nanghinayang ng makita ko ang kapirasong papel na nakadikit pa rin sa lata na nagtataglay ng tatak nito. Iyon pa naman mismo ang tatak ng gatas na inihalimbawa sa amin ng aming guro para taniman ng halaman sa aming narseri.
Bigla akong napaisip kung bakit kaya itinapon na lamang ito ng kung sino man na bumili at dating may-ari nito. Naalala ko tuloy ang kuwento ng Nanay ko kung gaano siya kahirap na maibili ako ng kahit na maliit lamang na lata ng gatas na iyon, upang aking mainom noong sanggol pa ako. Dahil sa kamahalan , madalas daw ay “am” o sabaw ng sinaing lamang ang pinaiinom sa akin noon.
Hindi nga kaya naisip ng dating may-ari nito na ang latang itinapon niya na walang kuwenta para sa kanya ay maaring may malaking pakinabang sa iba? Ang ibang bata kasi sa lansangan ay madalas kong makita na ginagawa itong tambol habang umaawit at nagka-carolling upang kumita ng ilang piso pantawid ng kanilang gutom.
Samantala, si Kapitan Jose naman sa aming barangay, kailan lamang ay itinanghal na pinakamahusay na Kapitan ng Lungsod dahil sa kanyang inobasyon sa patimpalak sa “Hardin ng Barangay” gamit ang mga lata na ginawan niya ng iba’t-ibang disenyo ay tinaniman ng mga makukulay na halaman na dati ay hindi naman tumutubo sa aming barangay.
Talagang nakapanghihinayang na makakita ng mga bagay sa ating paligid na maari naman sanang i-recycle at mapakinabangan pang muli sa ibang paraan ngunit hinayaan lamang ng iba na masira, matambak at tuluyang mawalan ng kuwenta o silbi. Nakatulong pa sana tayo sa pagpapanatili ng kalinisan sa ating kapaligiran at marahil ay naiwasan pa natin ang pagbabaha na kadalasang nangyayari tuwing tag-ulan.Kadalasan din kasi ang ma basura ang bumabara sa mga tulay at estero.
Ilang taon na rin ang nakalipas ng gumuho ang Payatas Dumpsite kung saan maraming buhay ang kinitil n gating pagtatambak at kapabayaan ng labis na basurang mga walang kuwenta sa atin. Walang kuwenta dahil hindi tayo maparaan at hindi pinahahalagahan ang mga bagay na minsan ay nagkaroon ng kapakinabangan sa atin.
Ang tunog ng malaking lata na natapakan ko habang palutang-lutang sa mababaw na baha sa labas ng aming bahay ay tila dagundong na gumising sa aking kaisipan upang bigyan ng higit na halaga ang mga bagay na kadalasang nagiging walang kuwenta at kinakalat lang natin sa ating paligid. Panahon na upang matuto tayo sa mga nakaraang trahedya na idinulot ng ating kapabayaan.
Pahalagahan na natin ang mga simpleng bagay na nakamit natin dahil sa ating pagsisikap, tulad ng isang lata ng gatas na nabili ni Nanay dahil sa kanyang pagsusumikap. Itatambak na lamang ba natin ito matapos maubos ang laman at mapakinabangan?Hahayaan na lamang bang lumutang sa baha at maging isang walang silbing lata?
Ikaw, anong gagawin mo sa susunod na makatapak ka rin ng isang lata?

Iba't- Ibang Mukha ng mga Guro
ni: Jane Meryll C. Regidor
Bilang pagkilala sa kabayanihan ng mga guro sa pagdiriwang ng World’s Teachers’ Day nais kong handugan ng pasasalamat ang aking mga guro sa pamamagitan ng mensahe na maglalarawan sa kanila.
Sa dami na ng aking naging guro ay natuklasan ko na lahat sila ay may iba’t ibang mukha – iba’t ibang paraan ng pagtuturo, pagpaparamdam ng pagmamahal at malasakit.
Ang ilan ay tahimik at malumanay, laging handang makinig at magpasensiya ngunit huwag pakasisiguro sa biglang buhos ng kanilang emosyon. Ngunit ganon pa man ramdam ko ang inyong pagmamahal, salamat po ang aking guro.
Mayroon namang laging galit, laging masungit at madalas ay “full volume” kung tawagin. Pero likas pa ring maawain at mapagmalasakit, ramdam ko pa rin ang inyong pagiging pangalawang magulang, salamat po aking guro.
Ang iba naman ay parang kaibigan, nakakabiruan, medaling lapitan at huwaran, gayunpaman, alam ko ang akig limitasyon lalo’t kung kailan sagad na ang inyong pasensiya, pero sa kabila nito, ramdam ko parin ang inyong paggabay, salamat po aking guro.
Tunay ngang sila ay ating kaibigan, minsa’y ate, kuya, kalaro sa isports, kabahagi sa mga bagong kaalaman, doktor kung tayo’y may masamang pakiramdam, tagapagtanggol sa kagipitan, referee sa oras ng kaguluhan, magbubukid kung may gulayan, katuwang sa paglilinis ng silid-aralan, tagadisenyo at tagalikha ng magandang lugar para sa ating pagkatuto, mananayaw, mang-aawit, tagapayo, kaibigan, pangalawang ina/ama.. ngunit higit sa lahat, isang salita na maglalarawan na ng lahat ng ito- GURO, ang nagtuturo sa ating lahat ng nais nating malaman, walang limitasyong pagmamahal na ating nararamdaman sa iba’t ibang paraan.
Sa lahat ng ito, maraming maraming salamat po mga mahal naming guro!

Alam niyo ba?
ni Micah Nadine S. Cahuyong
Alam nyo ba na nakikilala ng chimpanzee ang kanilang sarili sa salamin,
ngunit ang mga unggoy ay hindi?
...na kailangan ng minimum temperature na 66 degress Fahrenheit ng tipaklong para sila
makatalon
…na ang mga pating ay immune sa lahat ng uri ng sakit
...na ang ang red kangaroo ng Austria ay nakatalon ng 27 feet sa isang talunan
... na ang mga pusa, hindi ang mga aso ang most common pets sa America
... na ang woodpecker ay 20 ulit tumutuka sa loob lamang ng isang segundo
... na ang mga insekto ay nanginginig din kapag giniginaw