Ang ABCD ni Nanay at Tatay
Isinalin sa Wikang Tagalog ni: Cristy R. delos Santos
Walo kaming magkakapatid at ni isa, walang nagpre-school. Hindi ko na naabutan yung panahon na pwede ka ng mag grade 1 kung kaya mo ng abutin ng kanang kamay ang kaliwang tenga mo. Kasi naaalala ko, para makapasok ng grade 1, dapat ay kaya mo ng isulat ang alphabet at ang pangalan mo.
Totoo nga, napaka importante ang pangalan, unang araw ko kasi sa grade 1, iyak ako ng iyak, hindi ko naiintindihan ang mga pinaggagagawa namin. Gusto ko ng umuwi at for the first time, gusto ko ng matulog sa tanghali. Uuwi ako at matutulog na lang kahit dati ay ayaw ko. Sabi ng teacher namin, ang unang pauuwiin ay yung makakasulat ng buong pangalan at apelyido sa papel – back to back. Agad akong nagpasa pero sabi ni teacher, back to back daw, hindi ko naiintindihan ang ibig sabihin ng back to back kaya pinaliwanag ni ma’am, namilog ang mata ko at halos lumubo ang sipon ko sa pagpipigil sa nagbabadyang pag agos ng luha. Pagbalik sa upuan upang muling isulat ang pangalan ko, nanginginig ang kamay ko, nakita ng kaklase ko na hindi ko kaya, kaya sya na ang gumawa nun para sa akin. Kung hindi ako nagkakamali Melchor ata ang pangalan nun, matangkad at magtetake ng acceleration exam para maging grade 4. Sya ang unang anghel sa buhay- paaralan ko. Mula noon, naintindihan ko ang kahalagahan ng pangalan! Ang ikalawang anghel ay si Aling Maria, ang naghahatid sa akin sa paaralan. Sa huling subject at mag uuwian na, mula sa bintana ay iaabot nya sa akin ang papel na may pangalan ko – back to back, sulat iyon ng nanay ko!
Smart Kid daw ako. Kaya nga laking pagtataka ng lahat nung maging iyakin ako sa school. Hindi pala ako ready. Gayunman, looking back, hindi man ako naging handa sa elementary days ko, naging handa naman ako sa totoong buhay. Dahil iyon sa A B C D na tinuro ng magulang ko.

Bakit ka ba matampuhin?
ni Mary Ann B. de Guzman Damong makahiya na munting masanggiy nangunguyumpis nat buong nakikimi, matalsikan lamang hamog na kontit halik ng amihay mabigla sa dampi mga kinaliskis na dahoy tutupit tila na totoong lanta nat unsyami. Mutyang balintataw ng buwang maningning sa salang mabiro ng masayang hangiy pipikit na agad sa likod ng dilim, panakaw-nakaw na sa lupay titingin, sa tanaw ng ulap at ng panganorin. Malinaw na batis ng mahinhing bukal na napalalabo ng bahagyang ulan, kahit dahong tuyo na malaglag lamang ay nagdaramdam nang tila nasugatan; isang munting batong sa kanyay magalaw ay dumaraing na at natitigilan. Matingkad na kulay ng mayuming sutlang kay-sarap damitin at napakagara, munting mapatakan ng hamog o luha, ay natulukot nat agad namumutla; salang malibangan sa taguang sadya y pinamamahayan ng ipis at tanga. Kalapating puting may batik sa pakpak, munting makalayay malayo ang lipad; habang masagana sa sariling pugad, ay napakaamo at di lumalayas; nguni, pag sa palay ay minsang manalat, sa may-alagad man ay nagmamailap. Oh, Pusong tampuhin! Ang langit ng buhay ay wala sa pusong agging mapagdamdam; hindi nagluluwat ang kapayapaang mamahay sa palad na hubad sa lumbay; lalo sa pag-irog, ang tampoy di bagay kaning mayat-maya at, nakamamatay! |
Pag-ibig ng Ina
ni Jeanelle P. Gomez Ang puso ni ina'y kaban ng paglingap, May dalawang tibok na karapat-dapat, Ang isa'y kay ama, kay amang mapalad At ang isa nama'y sa amin nalagak. Noong nabubuhay ang ina kong irog Ang kanyang pagkasi'y samyo ng kampupot, Ang lakas ng puso'y parang nag-uutos Na ako, kaylan ma'y huwag matatakot... Pagibig ni ina ang siyang yumari Ng magandang bahay na kahilihili, At nawag sa palad na katangitangi. Timtimang umirog! Hanggang sa libinga'y Dala ang pagkasing malinis, dalisay, Dala ang damdaming kabanalbanalan. Isip
ni Katrina Grace G. Galam Sa isang madilim na sulok aking natatanaw, Ang tahimik at dahn dahang paglubog ng araw Na sa aking unti-unting nanlalabong paningin Isang mapanglaw at nakalulungkot na tanawin Sa unti-unting pagpula ng kalangitan Sa aking isip hated ay maraming katanungan Mga katanungan na naghahanap ng kasagutan Maiiwan na lamang bang palaisipan? Kasabay nga nito ay aking binabalikan Ang nakalipas at mga araw na nagdaan Mga araw na minsay nagbigay kasiyahan Ngunit kadalasan ang dulot ay kalungkutan Ang kalangitan nga ay tuluyan ng dilim Ang aking mga pangambay di mapigilang lumalim Sana ay dinggin ang aking taimtim na panalangin Sana ay mawala sa yakap ng dilim |