|
ng isang linggo. Walang pinipiling edad ang sakit na ito ngunit kadalasan ay ang mga bata dahilan upang dapat na paigtingin ng DOH at DepED ang kanilang information campaign sa publiko para maiwasan ang dengue. Sinabi ng DOH na kapag naimulat ang publiko sa pag-iingat at kung ano ang tamang gagawin para labanan ang dengue, hindi na ito kakalat. Kaya nararapat na maipaalam sa publiko ang tungkol sa nakamamatay na sakit na ito.
Sa kabila ng mga pangyayari ay tila hindi pa nga lubusang nababatid ng mga mamamayan, lalo ang mga nasa liblib na lugar kung paano ang gagawing pag-iingat sa dengue. Sa kabila ng madalas ang advertisement ng DOH sa mga diyaryo, mayroon pa ring mga tao na hindi ito nababasa lalo pa nga ang mga nakatira sa liblib. Mas magandang paraan kung gagawa ng babasahin ang DOH at saka makipag-ugnayan sa bawat barangay. Isaad sa babasahin ang lahat ng dapat gawin o mga pag-iingat. Ang barangay ang bahalang mag-distribute ng mga babasahin sa kanilang nasasakupan. Sa ganitong paraan, maipapabatid sa mamamayan ang mga gagawin para makapag-ingat sa dengue. Ang barangay ay may responsibilidad sa kanilang nasasakupan at isa riyan ang pagsugpo sa nakamamatay na lamok na naghahatid ng sakit na dengue. Hindi na dapat hintayin pa ng DOH na dumami pa ang mga biktima ng dengue para paigtingin ang kampanya ukol dito. Simulan na bago pa tuluyang lumaganap sa ating bansa. |